I feel sad whenever I see posts ng mga barkadang hirap mag set ng travel together, kaya I have to share with you guys yung best practice namin sa The heliopaths.
We have visited 19 provinces (Iloilo, Guimaras, Aklan, Antique, Romblon, Quezon, Camarines Sur, Camarines norte, Benguet, Batangas, Rizal, Cebu, Leyte, Marinduque, Bohol, Siquijor, Palawan, Bulacan, Laguna) and 4 countries (Thailand, Cambodia, Vietnam, Laos) together. ✈️
Tip 1: Mag create ng group chat sa messenger, para once na may seat sale or promos, isang send lang pak na. 👍🏻
Tip 2: Dapat may position bawat isa sa group mga bes, high school lang ang peg. Para tuwing may seat sale, alam na kung sino ang matang lawin at ang tribute sa pagpupuyat. 😹
Meron kaming:
- President – Leader
- Vice president- Taga isip ng next destination / Taga book
- Treasurer – Taga hawak ng pera / Taga book
- Asst Treasurer – Taga collect ng pera
- Secretary – Taga lista ng mga possibleng itinerary
- PRO – Taga tanong sa locals kapag naliligaw na ang group / Taga tawad sa presyo Yung ibang members: Nag rorotate para sa pag gawa ng itinerary at tawag sa mga contacts so lahat may chance ✈️
Tip 3: Pinaka importanteng tip sa lahat, most of our travels, at least 8 months ahead, so kaming mga taga book, kami na nagseset ng date, mahirap kasi yung isa isa pang tatanungin kung pwede sila sa date na yun, ang tendency mauubusan na kayo ng murang seat. 😹 Madali naman na gawan ng paraan kasi nga ahead. 🙂
Tip 4: Go lang ng go, wag ng choosy bes. Lahat naman magiging masaya kahit saan pa yan basta kasama ang buong barkada! Open minded ganon! Wag mag drawing! 😹
Tip 5: Mag save! Dahil ahead nga kami mag book, more time mag ipon! 😍
I hope kahit papano, natulungan kayo ng best practice namin! ❤
Share us your thoughts!
Nagmamahal,
Because sharing is caring! I am giving away P1,600 on your first trip on Airbnb – https://www.airbnb.com.au/c/louielynb2?currency=PHP
Let’s connect on Facebook! 🙂